
Teatro Siklab Diwa
A. Santos St. Buting Pasig City


General Assembly


General Assembly
Ito ang unang malawakang pagtitipon ng mga Alagad ng Sining matapos itong itatag at manumpa ang mga namumuno ng Teatro Siklab Diwa noong ika-14 ng Oktubre 2022. Dito inilapat ang mga natatanging proyekto na nais na isagawa ng organisayon at maihati ang mga miyembro base sa kanilang talento upang maayos na magampanan ng bawat isa ang kanilang mga gawain.
Inihati ang mga miyembro sa apat na saklaw, ito ay ang Playwright, para sa mga magagaling na manunulat; Artistic, para sa mga indibidwal na magaling sa pagguhit, pag-isip ng konseptong biswal at iba pa na may kinalaman sa pagdidisenyo; Performing, para sa mga estudyante na magaling sa pag-arte at pag-deliver ng mga linya na may kaakibat na emosyon, at ang huli ay ang Music. Ang Music ay para sa mga mahilig kumanta at marunong tumugtog o gumamit ng anumang instrumento.