top of page
  • Facebook
  • TikTok
355774774_1608334339576202_1054255994500699448_n.jpg

Gift Giving

Bilang unang taon ng selebrasyon ng kapaskuhan ng organisasyon, nais nitong gawing hindi malilimutan na pagdiriwang ng bawat isa, kaya naisipan nilang magsagawa ng isang busking performance sa kanilang paaralan. Sa likod ng pagsisikap at pagnanasa na makatulong sa bawat kabataan, noong ika-20 ng taong 2022, matagumpay na naibahagi ng mga miyembro ng organisasyon ang mga nakabalot na ligaya sa mga kabataan. Naging daan ang isinagawang busking upang makalikom ng sapat na salapi na ipinambili ng mga materyales na maaaring gamitin ng mga kabataan para sa kanilang pag-aaral. Tunay na nakakalambot ng puso ang masilayan ang mga matatamis na ngiti na naka-ukit sa labi ng mga kabataan nang sila ay nabahagian ng regalo. Talaga nga namang mayroong ligaya na nakabalot sa mga munting regalo na ito.

bottom of page