
Teatro Siklab Diwa
A. Santos St. Buting Pasig City


Busking Performace
Paghahatid at pag-bibigay ng pag-asa para sa mga kabataan ang handog ng organisasyong Teatro Siklab Diwa kasama ang organisasyong Societas Humanitas sa nagdaang kapaskuhan. Busking ang naisip na proyekto ng dalawang organisasyon nang sa gayon ay tunay na maramdaman ng bawat isang kabataan ang totoong diwa ng pasko.
​
Ito ay isinagawa noong ika-9 at ika-12 ng disyembre taong 2022. Sa pamamagitan ng pag-awit at pagtugtog, na pinangunahan ng Camp Siklab, nagkaroon ng bunga ang determinasyon ng Teatro Siklab Diwa na makapaghatid ng saya sa bawat isa. Bukod sa talentong ipinamalas ng mga mag-aaral, naging malaking parte rin ang nalikom na donasyon ng organisasyon para makapaghatid ng ngiti sa labi at magbigay pag-asa sa mga kabataang nasa lansangan.