top of page

Teatro Siklab Diwa
A. Santos St. Buting Pasig City


Bilang kaisa sa selebrasyon sa kaarawan ng mga puso, nakipagtulungan ang Teatro Siklab Diwa sa Kabataan sa Pagpapaunlad ng Asignaturang Filipino (K-PAF) upang maghatid ng kilig sa bawat isa.
​
Ang K-PAF ay nagkaroon ng aktibidad na kung saan malayang makapagbahagi ng sariling gawang tula ang mga BSHSians patungkol sa taong kanilang gusto, minsan nang ginusto ngunit ayaw talaga ng tadhana, o pinilit ngunit hindi talaga puwede.
Upang bigyang buhay ang mga tulang ito, naisipan ng Teatro Siklab Diwa na gawan ito ng maikling bidyo para mas lalong madama ng mga manonood at tagapakinig ang napakagandang tulang inihandog ng mga mag-aaral ng Buting Senior High School.

bottom of page





