
Teatro Siklab Diwa
A. Santos St. Buting Pasig City


Women's Month Celebration
Alinsunod sa Philippine Commission on Women, ating ginugunita ang Buwan ng Kababaihan tuwing Marso. Nitong taong 2023, ito ay mayroong tema na "WE for Gender Equality & Inclusive Society." Bilang kaisa sa paggunita ng adbokasiya na ito, nag-handog ang Teatro Siklab Diwa ng maikling bidyo kasama ng mga kababaihan na naging malaki ang kontribusyon sa Buting Senior High School.
Sa mahabang kasaysayan ng ating bansa, malaki ang naging ambag ng kababaihan sa patuloy na progreso ng ating bansa. Mula sa pagpapalaya sa kolonisasyon hanggang sa pagpapanday para sa makabagong bayan. Kaya nitong buwan ng Marso, ating kinilala ang kalakasan at katatagan ng bawat kababaihan. Mga kababaihan na pinatunayan ang kanilang kakayahan, determinasyon, at talino sa lipunan.